Skip to Content
Sama-samang nagpose para sa isang litrato ang mga attendees ng FSU Karaoke Social.
Sama-samang nagpose para sa isang litrato ang mga attendees ng FSU Karaoke Social.
Sheryl Anne Sanchez Lugtu
Categories:

Taglish: FSU highlights nationalistic ardor and Filipino heritage on their first-ever social

Sinimulan ng Filipino Student Union (FSU),isang branch ng a branch of the Kababayan Learning Community (KLC),  ang fall semester sa pamamagitan ng isang fun and entertaining Karaoke Social at cultural celebrationkultural na pagdiriwang ng Buwan ng Wika o Filipino Language Month noong ika-28 ng Agosto.

“We do this to get the people acclimated to the type of club we are doing,” ito ang naging pahayag ng kanilang club president na si Cem Quinto. 

 

The Karaoke Fever

Story continues below advertisement

 

Ayon sa Oxford Languages, ang salitang “karaoke” ay nagmula sa wikang Hapon at nauso noong 1970s. It literally means “empty orchestra”. Sa pagdaan ng panahon, kumalat ang idea ng karaoke not only in Japan, but also in the world.

Sabi nga ni Cem, ang “karaoke” ay may malalim na significance sa mga PFilipino at sa mga miyembro ng KLC. Una, Filipinos love karaoke and singing with other people. It is a way for them to welcome each other and have fun. Ikalawa, ang ganitong event ay nakakatulong lalo na to those who struggle to get off the ground. Magandang simula rin ito to meet new people that would give them ‘yoyung ng energy that will drive them in terms of academics, extracurricular activities, and future careers.

 

Buwan ng Wikang Filipino

 

Isang mahalagang parte rin ng nasabing event ang Buwan ng Wika celebration dahil u. Umawit ang mga estudyanteng parte ng leadership ng rendition ng kantang, “Do You Hear the People Sing”, na pinamagatang, “‘Di Niyo Ba Naririnig?”. 

“It aims to remind people of the cultural side of FSU alongside the light-hearted social aspects [of the program],” saad ni Cem.

Ang Buwan ng Wika ay isini-celebrate tuwing buwan ng Agosto bilang pag-alala sa kapanganakan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon na siyang nagpakilala ng ideya ng “national language” sa bansa noong panahon ng Commonwealth. It was taken after his date of birth because Quezon is known to be the “Ama ng Wikang Pambansa”.

Ang nasabing celebration ay nagsimula noong 1946, under former President Sergio Osmeña, bilang Linggo ng Wika na ipinagdiriwang every March 2 to April 2. Ngunit, nagbago ito noong 1954 nang palitan ni dating President Ramon Magsaysay at ilipat ng August 13 to 19. Then, former President Fidel V. Ramos changed Linggo ng Wika into Buwan ng Wika in 1997. The month-long celebration became an opportunity to promote, not just the national language but also the Filipino heritage.

Ang mga program na kagaya nito ay larawan ng maigting na pagmamahal ng Fil-Am communities sa wikang ating kinagisnan.

 

Digging the Archives

Kasabay ng paglulunsad ng panibagong school year sa ilalim ng FSU, they also aim to cherish the history of the group and KLC. Nais nilang palawakin pa ang kaalaman ng mga members when it comes to its history and the clubs, organizations, and groups that stemmed from it. 

Hinihikayat nila ang mga miyembro na tumulong sa pag-iimprove ng kanilang mga archives, memorabilia, at documents nang sa gayon ay makinabang ang mga susunod pang generasyon dito. 

 

Events and Promotions

 

Inaanyayahan din nila ang lahat na maging updated sa mga paparating nilang events. Sa darating na buwan ng Oktubre, ise-celebrate ang Filipino-American Heritage month. Also, marami pang mga events ang inihanda ng grupo kasama na rin ang Associated Students of Skyline College (ASSC) at iba pang mga organisasyon sa Skyline. 

Higit sa lahat, inaabangan rin ang pagdiriwang ng Kababayan Learning Community ng ika-20 taong anibersaryo nito na gaganapin sa Farallon Room (Building 12) on Dec. 7 from 5-9 p.m.

Mangyaring i-follow ang KLC sa @skylinekababayan on Instagram o makipag-ugnayan kay Dr. Liza Erpelo, KLC Coordinator, para sa iba pang detalye patungkol sa nasabing scholarship fundraising event.

More to Discover